CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, January 13, 2008




DR. HAYDEN KHO JR. JOINS MARIMAR

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dr. Hayden Kho Jr., sa presscon-thanksgiving party ng Marimar last Saturday, December 1, sa GMA compound.

May sense of humor ang boyfriend ni Dra. Vicki Belo at marami siyang pinakawalang punchline na binabawi rin niya dahil baka raw ma-quote, maintriga at mademanda siya.

For two weeks, guest si Dr. Hayden sa Marimar. Kung i-describe niya ang role niya rito ay "ang lalaking inagawan ng minamahal ng mga Santibañez."

Ang fianceé niya kasi sa naturang soap opera na si Dra. Rhia (played by Carmina Villarroel) ay mai-in love kay Renato Santibañez (ginagampanan ni Richard Gomez). ‘Tapos, ang matitipuhan niya na si Marimar (Marian Rivera) ay babalik kay Sergio Santibañez (Dingdong Dantes).

Nagbiro nga ang singing doctor na kay Inocencia (Nadine Samonte) na lang daw siya ipareha.

Tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista ni Dr. Hayden?

"Hindi pa rin," tanggi niya. "Hindi ko ito gagawing career, doctor pa rin ako. Sa gabi lang ako artista at sa umaga, doctor ako. Wala akong acting experience, virgin pa po ako! Nag-e-enjoy at naglalaro lang ako."

Hindi nahiya si Dr. Hayden na ikuwentong inabot ng four takes ang first scene niya sa Marimar dahil hindi niya makuha ang tamang acting.

"Galaw ako nang galaw at lagi akong nakapikit at nakatungo. Akala ko, close-up ang kinukunan sa akin, whole body pala. ‘Tsaka, maliliit ang mga kaeksena ko at kailangan kong tumungo para marinig ang sinasabi nila. Dahil nakatungo, nagmukha akong nakapikit," natatawang kuwento ni Dr. Hayden.

Ano naman ang sabi ni Dra. Vicki sa pagpasok niya sa showbiz?

"Okay lang sa kanya," sagot ni Dr. Hayden. "Basta hindi ako malunod sa showbiz. Dapat paalis na ako sa Paris to study Anti-Ageing Medicine, pero dumating ang offer ng Marimar kaya next year na lang ako tutuloy."

Habang kausap namin siya ay nagtanong si Dr. Hayden kung type naming makita ang telekinesis power niya. Nang umoo kami ay nag-concentrate lang siya at maya-maya lang ay gumagalaw na ang baso na may tubig sa harap niya. Kung hindi nahawakan ay matutumba ang baso ng tubig. Patunay lamang ito na maraming talents ang boyfriend ni Dra. Belo.

Maraming naging fans si Dr. Hayden nang sumali siya sa Celebrity Duets at muntik pa siyang manalo.

Love talaga ng doktor ang singing dahil humihirit pa siya ng pagkanta habang ini-interview. Nang tanungin namin about his musical influences, binanggit niya sina Bon Jovi, Robbie Williams, at Shayne Ward. Gusto raw niya ang pagka-falsetto ni Shayne Wayne at ginaya pa niya ito sa harapan namin.

Kuwela ang reaction ni Hayden nang tanungin ng PEP ang kanyang top five most beautiful actresses. Ayaw nitong sumagot dahil isa lang daw sa mga mata niya ang nakikita niyang maganda. Pero dahil kinulit namin, nagbigay na rin siya ng ibang pangalan.

"Number one si Dra. Vicki, number two si Dra. Vicki pa rin, at pati number three," biro niya nung una.

"Okay, number one si Dra. Vicki, number two si Katrina Halili, at number three si Marian Rivera. Kailangan Kapuso, di ba?" tanong pa nito na ikinatawa namin.

Noong una, nasa number four list ni Hayden ng top five most beautiful actresses si Nadine Samonte. Pero hindi raw siya masyadong pinansin ng young actress kaya inalis niya ito sa kanyang listahan. Feeling nasupladahan yata ang doktor kay Nadine.

Incidentally, sina Katrina, Marian, at Nadine ay pawang co-stars ni Dr. Hayden sa Marimar.

So, kailan naman ang wedding nila ni Dra. Belo?

"Wala namang ganyanan! Darating ‘din ‘yon at kailangan sa ganyan ay sorpresa," natatawang sagot niya. - Philippine Entertainment Portal

0 comments: